Thursday, April 9, 2026

MGA BANGKO AT PAWNSHOP SA LINGAYEN, HINIGPITAN ANG SEGURIDAD LABAN SA KRIMEN

Tinipon ang mga kinatawan ng mga bangko, financial institutions at pawn shops sa Lingayen para sa isang security coordination meeting na pinangunahan ng Lingayen Municipal Police Station (MPS) noong Abril 7, 2026.

Ayon sa ulat, tinalakay ang pagpapatupad ng mga hakbang laban sa kriminalidad, pagsasanay sa mga empleyado upang maging mapagmatyag at pagpapabilis ng komunikasyon sa pagitan ng mga establisyimento at ng mga awtoridad sa Lingayen.

Pinatatatag nito ang ugnayan ng kapulisan at ng mga negosyante upang epektibong mapigilan ang krimen.

Ayon sa PNP, inaasahang magbubunga ang nasabing koordinasyon ng mas mahigpit na seguridad sa mga financial businesses sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments