Mga bangko, hindi basta maaaring magtaas ng singil sa ATM transactions

Nilinaw ng Bangko Sentral Ng Pilipinas (BSP) na hindi maaaring basta magtaas ng singil ang mga bangko para sa kanilang automated teller transactions.

 

Ito ay kasunod ng nang pag-alis ng BSP ng moratorium sa anumang ATM fees na naunang ipinatupad mula pa noong 2013.

 

Ayon kay BSP Financial Technology Sub-Sector Officer in Charge Vicente de Villa III, hindi makatwiran ang anumang mabilisang dagdag na singil para sa pag-check sa account balance at withdrawal gamit ang ATM.


 

Aniya, kailangang dumaan sa kanila kung anuman ang dagdag na singil sa mga atm transactions.

 

Nauna nang lumabas ang mga ulat na posibleng umabot mula P20 hanggang P30 ang ATM fee para sa withdrawals.

Facebook Comments