Mga bangko, sarado sa Lunes bilang pakikiisa sa selebserbasyon ng Eid’l Fitr

270

Manila, Philippines – Sarado ang mga bangko sa Lunes (June 26) bilang pakikiisa sa selebserbasyon ng Eid’l Fitr o pagtapos ng isang buwang ramadan.

Inanunsyo ng Bank of the Philippine Islands na sarado ang lahat ng kanilang sangay gayundin ang UCPB at China Bank.

Pero bukas naman ang ilang branch ng BDO, Unibank Inc.


Sinabi naman ng Metrobank na ang branch lang nila sa NAIA terminal 3 ang bukas sa Lunes sa pina-ikling banking hours.

Ilang piling branch din ng Philippine National Bank ang bukas sa June 26 at limitado rin ang oras ng operasyon.

Habang ang mga branch ng security bank sa NAIA terminals 1 at 3 lang ang bukas sa regular banking hours.



Noong nakaraang linggo ay idineklara ng Malakanyang na regular holiday ang June 26 sa buong bansa bilang obserbasyon sa Eid’l Fitr batay na rin sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.

Facebook Comments