Mga bangko, tiniyak ang suplay ng pera sa mga ATM

Tiniyak ng mga bangko na sapat ang suplay ng pera sa mga Automated Teller Machine (ATM) sa gitna ng nationwide community quarantine sa bansa.

Ayon sa ulat, tuloy-tuloy ang paglalagay ng mga bangko ng pera sa mga sangay at ATM nito dahil sa lumalaking pangangailangan ng mga Pinoy dahil sa COVID-19.

Nagpaalala naman ang mga ito na hindi dapat mabahala ang publiko na mauubusan ng pera ang mga bangko at ATM dahil sa COVID-19 quarantine.


Facebook Comments