Japan, pinailawan na ang Olympic flame para sa 2020 Tokyo Olympics

Pinangunahan ni Olympics Presidente Yoshiro Mori ang pagpapa-ilaw sa Olympic flame bilang hudyat ng pag-bubukas ng 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa ulat, pinailawan nina three-time Olympic gold medalists Tadahiro Nomura at dating Japanese Freestyle Wrestler Saori Yoshida ang Olympic Cauldron.

Nabatid na ginanap ang nasabing aktibidad sa Japan Air Self-Defense Force Matsushima Base sa Higashi-Matsushima, Miyagi Prefecture.


Sa ngayon ay hindi pa rin naglalabas ang pamunuan ng nasabing international sporting events kung itutuloy ito sa gitna ng pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Facebook Comments