Mga bansa sa EU, hindi na nagpapasok foreigners mula sa ibang mga bansa

Ipinagbawal na ng mga bansa sa European Union (EU) ang mga biyahero na galing sa ibang mga bansa sa loob ng 30 araw.

Ito ay para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa ulat, epektibo ito sa 26 na EU states gaya ng Iceland, Liechtenstein, Norway at Switzerland.


Nabatid na ito ay ipinatupad dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang kaso ng COVID-19 sa Italy, Spain at France na itinuturing ng ilang mga eksperto na epicenter na ngayon matapos ang China.

Facebook Comments