NBA, balik-laro na sa Hunyo

Inanunsyo ng National Basketball Association o NBA na posibleng ituloy na ang mga laro ngayong season sa June matapos magkansela ang liga dahil sa banta ng coronavirus pandemic.

Ayon sa pamunuan ng NBA, gumagawa na sila ng financial report kaugnay ng posibleng pagbabalik ng mga laro sa nasabing buwan.

Nabatid na target ng liga na magkaroon ng karagdagang pondo na $550 million o 27.5 bilyong piso hanggang $ 1.2 billion o 60 bilyong piso.


Magiging pantustos ito sa mga nasayang na pondo dahil sa pansamantalang pagpapatigil ng mga laro dulot ng COVID-19.

Facebook Comments