Amerika – Nadagdagan pa ang mga bansang pinatawan ng travel ban ni United States President Donald Trump.
Kabilang ang bansang North Korea, Venezuela at Chad, isang bansa sa Central Africa.
Matatandaaang una nang naglabas ang Amerika ng ban sa Iran, Libya, Syria, Yemen at Somalia.
Paliwanag ni Trump – hindi nakamit ng mga nasabing bansa ang pamatayan o criteria.
Ang North Korea ay hindi nag-cooperate sa US government at ang lahat ng mga biyahe sa US ng kanilang mga mamamayan ay pinagbawal.
Sinuspinde ng naman ang business at tourist visas sa kanilang nationals sa Chad dahil hindi ibinahagi ng kanilang terrorism-related at ibang mga public information.
Ang mga government officials lamang ng Venezuela at kanilang immediate family members ay pinagbabawalang makabiyahe lamang kung saan sila ay pinatawan ng economic sanctions.