Mga bansang kasapi ng ASEAN, hinamon ng Vietnam na batikusin ang China; framework para sa code of conduct sa South China Sea – inendorso na ng ASEAN foreign ministers

ASEAN – Hinamon ng Vietnam ang mga bansang kasapi ng ASEAN na batikusin ang China dahil sa umano’y pananakop nito sa ilang mga teritoryo sa Southeast Asia.

Halimbawa rito ang ilang lugar sa West Philippine Sea kung saan kabilang ang Vietnam sa mga claimant country.

Bago pa man ang pagsisimula ng 50th ASEAN Foreign Ministers’ Meeting kahapon, noong biyernes pa lang ay nag-lobby na ang Vietnam kung saan naglabas ito ng matalim na pahayag laban sa China.


Nagpahayag naman ito ng pagsuporta sa U.S., Russia at South Korea.

Samantala, inendorso na ng foreign ministers ng ASEAN ang framework para sa code of conduct sa South China Sea.

Nakatakda itong i-adapt sa ASEAN China ministerial meeting ngayong araw.

Ang framework ay magsisilbing outline sa mga napagkasunduan ng mga diplomats kaugnay ng tensyon sa South China Sea.

Facebook Comments