Mga bansang miyembro ng ASEAN Economic Minister, puspusan ang trabaho sa kanilang external partnership

Manila, Philippines – Doble kayod ngayon ang bawat bansang kasapi ng ASEAN Economic Ministers upang mapaigting ang kanilang external partnership.

Ito ang binigyang diin ni DTI Secretary Ramon Lopez sa isinagawang preparatory meeting ng ASEAN Economic Ministers meeting sa Marriot Hotel.

Ayon kay Lopez, ilan sa kanilang mga kailangang bigyang pansin ay ang mapaigting ang kasalukuyang Free Trade Agreements o FTAs, makumpleto ang nagpapatuloy na negosasyon sa Free Trade Agreements sa kabila ng pagkakaroon ng mga bagong kasapi at mapalakas ang Economic Cooperation Mechanism.


Dagdag pa ni Lopez na marami pang kinakailangang gawin ang bawat miyembro ng Asian Economic Minister upang matiyak na manatiling nasa tamang direksyon ang tinatahak nito.

Paliwanag ni Lopez ang ASEAN Economic Minister meeting ay isa sa mga bahagi ng 31 st ASEAN Summit and related Summit.

Facebook Comments