Mga bansang nagluwag ng restrictions, nagsisimula nang tumanggap ng foreign workers – POEA

Nagsimula na ang ilang bansa na luwagan ang kanilang restrictions sa pagtanggap ng foreign workers.

Nabatid na naghipit ang maraming bansa sa mundo sa pagpasok ng mga dayuhan bilang pag-iingat bunga ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, may ilang bansa na ang unti-unting tumatanggap ng foreign workers.


Kumpiyansa si Olalia na maraming trabaho ang magbubukas para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Karamihan sa mga bansa sa Middle East ay tatanggap na muli ng foreign workers kabilang ang Kingdom of Saudi Arabia at Bahrain.

Ang Hong Kong, Singapore at Brunei ay nagsimula na ring naghahanap ng skilled at domestic foreign workers.

Mataas naman ang demand ng health care workers tulad ng nurses sa Canada at United Kingdom

Bukod dito, unti-unti na ring nagno-normal ang deployment ng Filipino seabased workers sa ilalim ng green lane.

Facebook Comments