Mga bansang nakitaan ng panibagong COVID-19 variant, otomatikong tinanggal na sa green list countries

272

Nilinaw ng Inter-Agency Task Force o IATF na hindi na kabilang ngayon sa green list countries ang South Africa, Namibia at Zimbabwe.

Ayon kay aActing Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, dahil sa bagong IATF Resolution no. 150 na nagbabawal pansamantala sa pagpasok ng inbound international flights mula South Africa, Namibia at Zimbabwe ay otomatikong eliminated na ang mga ito sa green list countries.

Maliban sa tatlong nabanggit na bansa, suspended din ang inbound international flights mula Lesotho, Eswatini at Mozambique hanggang December 15, 2021.


Nag-ugat ito makaraang madetek sa mga naturang bansa ang B.1.1.529 o Omicron COVID variant na pinaniniwalaang mas nakapanghahawa kaysa Delta variant.

Facebook Comments