SSS, inilabas na ang iskedyul sa pagbibigay ng 13th Month at pensiyon

148

Naglabas na ng iskedyul ang Social Security System kung kailan tatanggap ng 13th Month at pensiyon ang mga miyembro nito para sa buwan ng Disyembre.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora Ignacio, ang mga may Date of Contingency ng una hanggang ika-15 araw ng buwan ay makakatanggap ng pensiyo sa at 13th Month sa December 1

Habang sa December 4 makakatanggap ang mga Pensioner na may Date of Contigency ng ika-16 hanggang sa huling araw ng buwan.


Aabot sa P27.5 billion ang inilaang pondo para sa Pensyon at 13th Month ng kanilang 3.14 million Pensioners.

Nakipag-ugnayan ang SSS sa kanilang mga Partner Banks maging sa Philippine Postal Corporation para mapabilis ang paghahatid ng pensyon.

Facebook Comments