Sinanay ang mga miyembro ng bantay dagat sa bayan ng Bolinao para sa isang layuning maprotektahan ang mga baybaying sa bayan.
Kabuuang labing-isang miyembro ng Bantay Dagat ng bayan ang naging partisipante kung saan pinangunahan ang aktibidad ng mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Region 1 at sinanay ang mga ito sa loob ng tatlong araw.
Ibinahagi sa mga ito ang lecture discussions, workshops at practicum na kinabibilangan ng mga paksa sa mga programa, proyekto at aktibidad ng BFAR; Pagpapahusay ng Halaga; Tungkulin ng Deputy Fish Warden at Grounds para sa pagbawi ng awtoridad; Republic Act 8550 na inamyendahan ng RA 10654, Pag-uuri ng mga bangka sa pangingisda at pag-alam sa mga kagamitan at marami pang iba.
Ang pagsasanay na ito ay sa pangunguna at inisyatiba ng LGU para protektahan ang mga baybaying dagat nito at kontrahin ang mga aktibidad ng ilegal na pangingisda at upang mapanatili ang kaligtasan ng mga turista at mga residente sa lugar. | ifmnews
Facebook Comments