Mga banyagang pasaway sa Malate, nakatikim kay Manila Mayor Isko Moreno

File photo

Sinita ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga banyagang nahuling naninigarilyo sa ilang pampublikong lugar sa Malate nitong Lunes ng madaling araw.

Napahinto ang kotseng sinasakyan ni Moreno sa labas ng isang club sa naturang pook makaraang hindi makadaan dahil sa illegally parked vehicles ng mga kustomer.

Sa kaniyang pag-iikot, nahuli ng alkalde ang mga dayuhang naninigarilyo sa ‘no smoking area’ at tinapon pa ng isa ang sigarilyo sa sahig. Matapos sitahin, pinapulot ito ni Moreno sa pasaway na banyaga.


Namataan din ng lider ang mga nagkalat na upos sa gilid ng establisyimento.

Kasabay nito, hindi din pinaglapas ni Moreno ang mga kotseng iligal na nakaparada sa daan.

“Akala kasi nila kapag ganitong oras, kapag Linggo walang gobyerno,” pahayag ni Moreno.

 

Pinatawag ni Moreno sa rumespendong pulis ang manager ng nasabing club ngunit hindi ito pinapasok ng manager.

Makalipas ang ilang minuto, kinausap ng pamunuan ng club si Moreno.

“Pag pinupuntahan kayo ng pulis, makikiisa kayo,” giit ng alkalde.

Pangako ng manager kay Moreno, magiging mahigpit na sila sa mga panukalang pinapatupad ng lokal na pamahalaan.

Facebook Comments