MGA BARANGAY CHAIRMAN SA BUGALLON PINULONG PARA SA TAMANG IMPLEMENTASYON NG S-PASS REGISTRATION

14

Pinulong sa bayan ng Bugallon ang mga barangay captain upang maipaliwanag nang mabuti ang tamang implementasyon ng S-Pass Registration. Ito ay naglalayong maproteksyunan ang bawat bayan sa pagkalat ng COVID-19.

Inilatag sa mga opisyal sa barangay ang tamang proseso sa paggamit ng S-Pass Registration para sa mga kababayan nilang nais umuwi galing sa ibang probinsya at rehiyon.


Layunin nito ay masunod ang mga panuntunan sa pagtanggap ng mga bumabalik at pumapasok sa bayan para matiyak na sila ay ligtas sa Coronavirus Disease at maiwasan ang pagkalat ng virus.

Samantala, ipinaalala rin sa mga opisyal ang mahigpit na pagpapatupad ng mga minimum health protocols laban sa COVID-19.

Facebook Comments