LIMA KATAO ARESTADO MATAPOS MAHULI SA AKTONG NAGSASABONG SA URBIZTONDO

16

Huli sa akto na nagsasabong ang limang katao matapos silang maabutang nagsasabong sa bayan ng Urbiztondo.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Albert Garcia Roberto Ursua, Bernard Abanio, Jeffrey Custodio, at Mark Dave Perez.


Ikinasa ang anti-illegal gambling operation mag-aalas dose ng tanghali sa barangay Pasibe East, nasabing bayan kung saan ay nakuha sa lugar ang dalawang manok panabong at pusta ng mga ito na aabot sa tatlumpung libong piso.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments