Mga barangay chairman sa Maynila, pinulong ng pamunuan ng MPD kasunod ng banta ni Pang. Duterte na pag-aresto sa mga pabayang barangay officials

78

Pinulong ngayong araw ni Manila Police District Director Brig. General Leo Francisco ang mga barangay chairman sa Maynila.

Sa harap ito ng pagkabahala ng barangay officials sa direktiba ni Pangulong Duterte na arestuhin ang barangay chairmen na nagpapabaya sa kanilang tungkulin sa kampanya laban sa paglaganap ng COVID-19.


Sa nasabing pagpupulong sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, ipinaliwanag ni Francisco na hindi naman agad-agad gagawin ang pag-aresto.

Gayunman, kailangan aniyang tiyakin ng mga barangay chairman na masusi nilang naipapatupad ang health protocols sa kanilang nasasakupan at siguraduhin na walang super spreader event sa barangay.

Facebook Comments