Phoenix Suns, dinurog ang Nuggets sa Game 2 ng NBA Western Semifinals

37

Tinalo ng Phoenix Suns ang Denver Nuggets sa score na 128-98 sa Game 2 ng Western Conference Semifinals ng National Basketball Association (NBA).

Pinangunahan ito ni Chris Paul na may score na 17 points at 15 assists habang sinundan naman ni Devin Booker na may ambag na 18 points at 10 rebounds.


Ginabayan naman ng bagong NBA Most Valuable Player na si Nikola Jokic ang Denver na may 24 points, 13 rebounds at six assists.

Magtatapat muli ang Denver at Suns sa Game 3 ng best-of-7 series sa Biyernes.

Facebook Comments