Pata, Sulu – Isinuko ng pitong barangay chairmen ang kanilang matatas na kalibre ng armas, bala at pampasabog sa tropa ng Philippine Marines sa Pata, Sulu.
Ayon kay Captain Maria Rowena Dalmacio, ang tagapagsalita ng Philippine Marines, labing isang matatas na kalibre na armas ang isinuko ng pitong punong barangay.
Isinuko ng barangay chairman ng Luuk Tulay ang kanyang isang M1 garand rifle at ang barangay chairman ng Sangkap isinuko rin ang isang M1 garand rifle at isa pang M16.
Ang barangay chairman ng Nyog-Nyog, isinuko ang kanyang dalawang M1 Garand Rifles with 6 clips, dalawang M1 Garand rifle rin ang isinuko ng barangay chairman ng barangay Kamawi.
Isinuko rin ng barangay chairwoman ng Barangay Andallan ang kanyang dalawang M1 Garand Rifles.
Dalawang residente rin ng Barangay Kayawan at Barangay Kanjarang ang sumuko ng kanilang M16 rifle at isang M1 Garand rifle.
Sinabi naman ni Lt. Col. Stephen Cabanlet, ang commander ng Marine Battalion Landing Team 1, na dahil sa masigasig na pagsasagawa ng civil military operation activities ng militar sa lugar kayat nahihikayat ang mga residenteng makipagtulungan sa layuning magkaroon ng gun-free community.