Mga barangay health workers, hiniling na unahin na rin sa mababakunahan

Umaapela si Marikina Rep. Stella Quimbo na iprayoridad na rin sa mababakunahan ang mga barangay health workers.

Giit ni Quimbo, panahon na para kilalanin ang mahalagang papel ng mga barangay health workers na sumailalim sa mga pagsasanay para makatulong sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Aniya ang mga barangay health personnel ay sinanay para sa “household mapping” at pagsusuri ng mga vital statistics ng mga indibidwal na maysakit.


Dahil ang mga frontliners na ito ay humaharap din sa panganib ng COVID-19 araw-araw kaya’t nanawagan ang kongresista na bakunahan na rin ang mga ito agad ng COVID-19 vaccines.

Hinimok rin ng kongresista na mabigyan na rin agad ng sapat na allowance at hazard pay ang mga barangay health workers.

Facebook Comments