Napansin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mababa ang turn out ng mga bumotong kasambahay noong May 9,2022 Local at National Elections.
Mula sa 42,046 na barangay sa buong bansa, 3,359 lang ang may maayos na registration system ng mga kasambahay.
Dahil dito, ipinapa-update ng DILG ang registration system ng barangay para sa naturang sektor.
Ipinaalala ni DILG Secretary Eduardo Año na dapat compliant ang mga barangay sa itinatadhanan ng Republic Act 10361, o ang “Domestic Workers Act” o “Batas Kasambahay”.
Ani Año, tanging ang Region 5 ang mayroong mataas na bilang ng rehistradong kasambahay na nasa 672. Sinusundan ito ng Region 6-584 at Region 8-499.
Isa sa nakikitang dahilan ng DILG ay ang itinatagong katotohanan ng karamihan sa mga amo na di nagbabayad ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), at Pag-IBIG contributions para sa kanilang mga kasambahay.
Maliban sa pag-update sa barangay registration ng mga kasambahay, dapat ring makapagtatag ang barangay ng kanilang Kasambahay Desk.