Iba’t ibang cluster ng DSWD, nagbigay ng briefings sa team ni incoming Sec. Erwin Tulfo

111

Nagbigay ng briefing ang iba’t ibang cluster ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kina incoming Secretary Erwin Tulfo at sa kaniyang team.

Layon nito na masiguro ang mas maayos na paglilipat ng trabaho sa susunod na mamumuno ng ahensya.

Sa nasabing briefing ibinahagi nila ang mga tungkulin, istraktura, budget, at mga empleyado na kinakailangan sa bawat opisina ng ahensya.


Kabilang sa mga clusters sa briefing activities ang grupo mula sa Disaster Response and Management, Standards and Capacity Building, General Administration Support Services, Operations and Programs, Policy and Plans, at ang Office of the Secretary.

Bukod naman sa cluster briefings, magkakaroon din ng orientation sa iba’t ibang field offices ng ahensya ngayong Hunyo, na mahahati sa island clusters na Luzon, Visayas, at Mindanao.

Mismong sina Tulfo at kaniyang team ang magtutungo sa iba’t ibang cluster venues at bibisita sa mga field offices ng DSWD.



Facebook Comments