Mga Barangay Kapitan ng Cabatuan Isabela, Pinulong Kaugnay sa Droga!!

39

Cabatuan, Isabela – Pinangunahan ng PNP Cabatuan, DILG Cabatuan, MPOC at
ilang SB Officials ang pagpulong sa mga kapitan ng barangay may kaugnayan
sa droga na ginanap sa session hall kahapon, March 16,2018.

Sa ipinaabot na impormasyon sa RMN Cauayan, naging inisyatiba ni Police
Senior Inspector Prospero A. Agonoy, Acting Chief of Police ng Cabatuan na
pulungin ang lahat ng barangay kapitan upang maipaabot ang lahat na
kaganapan at mga dapat gawin kaugnay sa Peace and Order Situation, Recovery
Wellness Program ng Tokhang Responder, Local Drug Situation at
Accomplishments ng Anti-Illegal Drug Operations sa buong Cabatuan.

Nakibahagi rin si Ms. Karen Joy Castro ng DILG, Sangguniang Bayan Jasmin
Miano at SB Rafael Sandan.

Naging matagumpay naman ang naturang pulong na dinaluhan ng mga kapitan
mula sa 22 barangay ng Cabatuan.

 

Facebook Comments