MRT-3 | 11 tren, napapakinabangan sa kasalukuyan

37

Manila, Philippines – May labing isang tren ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3)
ang napapakinabangan sa kasalukuyan ng mga commuters.

Alas 8:25 kanina, napabilis ng walong minuto ang pag-aantay ng susunod na
tren bunga ng dagdag na functional na tren.

Noong January 29, huling nakapag-roll-out ng labing isang tren sa mainline
mula sa dating anim na tren na operational.

Ang bahagyang ginhawa sa binubunong kalbaryo sa serbisyo ng MRT-3 ay bunga
ng na-i-deliver na mga kinakailangan na spare parts.

Gayunman, malayo pa rin ito sa 15 trains na kinakailangan para
maserbisyuhan ang nasa 300,000 na commuters na umaasa sa pagsakay sa tren
sa gitna ng pangit na serbisyo.

Facebook Comments