Mga barangay na sinasakop ng Maute Group, mas kaunti na

Marawi City – Mas kumunti ang mga lugar na kinukobkob ng Maute Group.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, dalawa’t kalahating barangay na lamang ang sinasakop ng Maute Group sa naturang lungsod.

Aniya, deklarado na bilang ‘safe zones’ ang karatig-bayan ng Marawi at maging ang lawa ng Lanao.


Aniya, maaari nang makabalik sa kani-kanilang mga bahay ang ilan sa mga bakwit.

Pero kailangan muna aniya ng mga itong kumuha ng safe conduct pass kung saan isasalang ang mga ito sa isang screening para sa kanilang mga pagkakakilanlan.

Facebook Comments