Mga barangay official, kakasuhan kapag sumama at mangampanya sa kandidato

 

Binalaan ng Department of Interior and Local Government o DILG na posibleng masibak sa pwesto ang isang barangay official na sasama sa mga kandidato na mangangampanya saan man lugar, maging sa kanilang barangay na nasasakupan.

 

Sa isang forum sa Maynila, sinabi ni DILG Undersecretary Epimaco Densing para mapatunayang sumama ang mga barangay officials sa isang kandidato ay dapat makunan ito ng larawan, para magamit sa pagsasampa ng kaso.

 

Ipadala lamang ito sa pinakamalapit na tanggapan ng DILG at ito ay ipapadala naman nila sa DILG main office para sa tamang proseso ng pagsasampa ng kaso, ani Densing.


 

Nangangamba naman ang mga barangay official na humingi na  lamang ng ayuda ang kandidato na nagpapasama, kapag makunan siya ng kalaban para ito ay maireklamo na nangangampanya para sa isang kandidato.

Facebook Comments