Mahaharap sa kaparusahan ang mga opisyal ng barangay na mabibigong pigilan ang unvaccinated individuals na lumabas ng kanilang mga bahay.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, posibleng maharap sa administrative, criminal o civil cases ang mga opisyal na hindi gagampanan ang kanilang tungkulin sa pagsiguro ng kaligtasan ng publiko.
Nauna nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng barangay na huwag hayaang makalabas ang mga unvaccinated dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Pero ayon sa DILG, magsisilbi lamang na “last resort” para sa barangay officials ang pag-aresto sa mga magpupumilit na lumabas ng bahay.
Facebook Comments