Quezon City – Nanawagan si Quezon City Mayor Herbert Bautista sa publiko na maging mapagbantay sa harap ng posiblengbuwelta ng grupong ISIS matapos maideklara na malaya na sa terorismo ang Marawi City.
Kailangan aniyang ipagbigay alam sa otoridad ang mga bagong mukha na may kahina hinalang kilos sa kanilang komunidad.
Hindi aniya malayong makarating sa Metro Manila ang banta ng terorismo dahil posibleng maghiganti ang mga tagasunod ng napatay na sina Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon at Omarkhayam Maute.
Bilang pinuno ng National Capital Region Peace and Order Council, sinabi ni Bautista na hindi nagtatapos sa pagpatay sa mga lider ang paglaban sa terorismo. Mainam pa rin aniya na panlaban ang kahandaan at palitan ng kaalaman ng mga bawat bayan.