Mga Barangay sa San Isidro Isabela, Tumanggap ng Dalawang Daang Libong Pisong Pondo!

San Isidro, Isabela – Tumanggap na ng PHP 200,000.00 na pondo ang bawat barangay sa bayan ng San Isidro, Isabela bilang taunang inilalaan ng pamahalaang panlalawigan.

Batay sa naging pahayag ni Isabela Governor Faustino Bojie Dy III, layunin nito na matulungang maipagpatuloy ng mga barangay officials ang kanilang mga nasimulang proyekto.

Hiniling rin ni Governor Dy III sa mga residente ng nasabing bayan na bantayan ang mga programa ng provincial government.


Samantala, kasabay ng pagbisita ni Governor Dy ay nagsagawa rin ng libreng Medical, Dental at Optical Mission katuwang ang mga opisyal tulad ni 1st. District Isabela Conressman Rodito Albano.

Facebook Comments