Sunog na Bangkay sa Tuguegarao City, Natagpuang Palutang-lutang sa Isang Ilog!

Tuguegarao City, Cagayan – Natagpuan sa tabi ng Pinacanauan River partikular sa Brgy. Tanza Tuguegarao City ang isang sunog na bangkay na nakagapos ang mga kamay at paa gamit ang alambre.

Sa impormasyong ipinarating sa RMN Cauayan, nakita ng isang nagpapastol ng kalabaw sa naturang lugar ang palutang-lutang na sunog na bangkay.

Kaagad na ipinarating ni Erlito Baccay ng Capatan, Tuguegarao City ang natagpuang bangkay sa Tuguegarao Police Station kung saan agad namang nirespondehan ngs Rescue 1111 at SOCO ng Regional Crime Laboratory Office 2.


Nasa isang purinarya na ang bangkay at hiniling narin ng PNP Tuguegarao City na isailalim sa otopsiya at iba pang eksaminasyon upang malaman ang dahilan ng pagkamatay at makilala ang nasabing nasunog na bangkay.

Facebook Comments