Cauayan City, Isabela- Matagumpay na naipamahagi sa bawat pamilya sa 49 na mga barangay sa Lungsod ng Tuguegarao ang ayudang tig-10 kilong bigas mula sa pamahalaang panlalawigan ng Isabela.
Ito ay inisyatiba ni Governor Manuel Mamba na layong matulungan ang mga naapektuhang pamilya sa Lungsod na epicenter ng COVID-19.
Tinatayang nasa 44,951 pamilya ang nahatiran ng ayudang bigas matapos ang ilang araw na pamamahagi ng Provincial Social Welfare and Development sa 49 barangays ng lungsod.
Nag-umpisa ang distribusyon noong ika-24 ng Abril at natapos noong ika-19 ng Mayo taong kasalukuyan.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang tulong na ibinibigay sa mga Cagayano ngayong pandemiya sa ilalim ng iba’t-ibang programa ng Gobernador tulad ng “No Barangay, No Town Left Behind” at Oplan Tulong sa Barangay.