Isasama na sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ang pamilya ng mga barangay tanod at barangay health workers sa buong bansa.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Under Secretary Jonathan Malaya, naglabas ng memorandum si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando bautista kung saan inaprubahan nito ang rekomendasyon ng DILG na isama na rin ang mga barangay frontliners sa SAP.
Katwiran ng DILG, hindi mga regular na empleyado ang mga tanod at BWHS na tumatanggap lang ng allowance mula sa barangay na nakadepende pa sa pinansya na kapasidad nito.
Kaya bilang mga frontliners din kontra COVID-19, dapat lang aniya na kilalanin ng pamahalaan ang sakripisyo ng mga barangay workers.