Mga Barbero sa isang Barangay, May Home Service Hair-Cut!

Cauayan City, Isabela- Kasabay ng pagtugon sa sitwasyon ng ilang manggagawa ay minabuti ng isang opisyal ng Barangay Buenavista, Santiago City ang alternatibong paraan ng pagtulong sa mga indibidwal.

Ayon kay Kagawad Russel Quines, batid niya na higit na apektado ang mga maliliit na manggagawa gaya ng mga barbero ang sitwasyon na kinakaharap ng bansa kaya’t naisipan nitong ilapit para sa kanila ang pagtulong sa pamamagitan ng ‘Hair Cut Home Service’.

Dagdag ng opisyal, natigil man nang panandalian ang nakagawiang trabaho ng mga ito ay pilit niya naman itong hahanapan ng pagkakakitaan.


Maliban dito, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong sa bawat pamilya gaya ng pamimigay ng relief goods upang makatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Pinagsanib na pwersa ng Sangguniang Kabataan ng Buenavista ang kanilang pagtugon sa mga pamilya naapektuhan ng lumalalang sitwasyon ng bansa.

Tiniyak naman ng mga opisyal ang kahandaan nila sa pagtugon sa bawat pangangailangan ng pamilya.

Facebook Comments