MGA BARIL NA NASAMSAM AT ISINUKO SA PANGASINAN POLICE PROVINCIAL OFFICE , UMABOT NA SA 275

Umabot na sa 275 na mga baril ang isinuko at nakumpiska ng Pangasinan Police Provincial Office sa kabila ng pagpapatupad ng gun ban.
Iba’t-ibang kalibre ng baril ang inilatag sa loob ng Magilas Hall sa PPO ang ipinakita sa isinagawang command visit ni Police Regional Office, Regional Director, PBGEN Westrimundo Obinque, kaugnay sa papalapit na National and Local Elections ngayong taon.
Sa nasabing bilang 99 dito ang ipinasakamay ng mga kandidato, 73 ang nakuha sa Oplan Katok, 43 ang isinuko at 60 ang nakumpiska mula sa police operations.

Binalaan naman ni Obinque ang mga kapulisan sa rehiyon na maging apolitical o huwag makisasaw sa papalapit na eleksyon.
Sisiguraduhin aniya ng opisyal na magiging ligtas ang mga botante at kandidato sa pagboto sa darating na Halalan 2022. | ifmnews
Facebook Comments