Mga barko ng Philippine Navy, idineploy para magdala ng mga medical paraphernalia sa island provinces kaugnay sa gaganaping 3-day National Vaccination Drive

Inihatid ng mga barko ng Philippine Navy ang 34 na kahon na naglalamang mga medical pharaphernalia partikular ang mga karayom sa lalawigan ng Sulu.

Ito kaugnay sa gagawing 3-day National Vaccination Drive simula ngayong araw sa buong bansa.

Ayon kay Major Andrew Linao, tagapagsalita ng Western Mindanao Command, na i-transport ang mga medical pharaphernalia nitong November 28.


Tinulungan aniya nila ang Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa paghahanda sa vaccination campaign.

Ang mga medical paraphernalia ay tinanggap mismo ng Integrated Provincial Health Office.

Samantala, maliban sa Sulu tumungo rin ang Philippine Navy sa Bongao, Tawi-Tawi at inihatid ang 57 kahon ng mga karayom na gagamitin sa vaccination kontra COVID-19.

Facebook Comments