Malawakang caravan sa mga taga-suporta ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ikakasa na bukas

315

Magsasagawa ng malawakang caravan bukas ang mga tagasuporta ni presidential aspirant at dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa maraming bahagi ng lalawigan ng Rizal.

Magsisimula ang malawakang caravan sa Shell Marilaque, Antipolo City kung saan dadaan ang malawakang caravan sa Cogeo, Upper Antipolo, Teresa Bayan, Baras, Tanay Bayan, Pililia, Jala-Jala pagkatapos ay babalik sa Morong Bayan, Cardona, Binangonan Bayan, Angono Bayan, Taytay Bayan, Cainta Bayan at babalik sa patungo sa Binongonan at Taytay Rizal.

Inaasahan na libo-libong mga taga-suporta ni BBM ang makikilahok sa malawakang caravan na isasagawa bukas kung saan lahat ng mga dadalo at sasama sa naturang caravan ay pinayuhan na magsusuot ng kulay pulang tshirt.


Matatandaan na kamakailan ay libo-libong mga taga-suporta rin ni BBM ang nagsagawa ng mga caravan sa Pangasinan at iba pang lugar sa Norte bilang suporta sa kanilang kandidato sa pagkapangulo sa darating na 2022 national and local elections.

Facebook Comments