Lumabas sa pag-aaral ng US-Based Think Tank na maraming beses nang naranasan na mga mangingisdang Vietnamese ang nangyari sa mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank.
Base sa impormasyon mula sa Center for Strategic and International Studies (CSIS), 12 beses nang nambabangga ang mga barko ng China sa mga sea craft ng Vietnam mula 2014 hanggang 2018.
Karamihan sa mga insidente ay nangyayari sa Paracel Islands, kung saan sangkot ang mga barko ng Chinese coast guard.
Ayon pa sa CSIS, mayroon ding insidente na kaparehas na nangyari sa Recto Bank na naitala noong Setyembre 2015 kung saan naka-angkla rin ang Vietnamese fishermen nang banggain din sila ng Chinese vessel.
Pinagkukuha rin ng Chinese nationals ang mga nahuli ng mga mangingisda maging ang kanilang navigation equipment.
Lumubog ang bangka sa loob ng 12 oras at maswerte namang nasagip ang mga ito ng isa pang Vietnamese vessel.