Pinayagan nang makapaglayag ang mga barko sa Western Samar partikular sa mga pantalan ng Calbayog at Manguino-o.
Ang abiso ng Philippine Ports Authority ay kasunod ng pagbuti ng sitwasyon ng dagat sa nasabing lugar matapos ang epekto ng Bagyong Amang.
Samantala, nananatili namang suspendido ang mga biyahe sa mga pantalan ng Northern Samar.
Sa monitoring ng Philippine Coast Guard, halos 5,000 mga pasahero, mga driver at pahinante ang stranded sa tatlong rehiyon dahil sa bagyo.
Pinakamaraming stranded ay sa Region 5, kasunod ang Eastern Visayas at Southern Tagalog.
Facebook Comments