LALAKI SINAKSAK-PATAY AT INIHULOG SA GILID NG KALSADA NG KANYANG KAINUMAN

Altavas, Aklan – Wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki kaninang umaga sa Brgy. Lupo, Altavas, Aklan. Ang biktima ay kinilalang si Leo Vicente Belarmino, 50-anyos at residente ng nasabing lugar habang ang suspek ay kinilala namang si Rosel Almanon Fojas, 26-anyos at residente ng Sitio Hongoton ng nasabi ring barangay. Ayon kay PSSGT.Richard Villar ng Altavas PNP, na nakatanggap ng report ang kanilang opisina kaninang umaga na may nakitang patay sa lugar ag agad naman silang nagresponde. Naabutan nila sa lugar ang bangkay ng biktima na may tama sa ng saksak sa leeg at tiyan. Lumalabas sa kanilang imbestigasyon na kagabi mga bandang alas 8:30, ang biktima kasama ang iba pa nitong kasamahan ay nag-iinuman, dumating ang suspek na lasing at nakipag-inuman rin. Makalipas ang kalahating oras, ang ibang kainuman ng biktima ay umuwi na at ang iba naman ay pumunta sa lamay ng kanilang relative kung saan naiwan ang biktima at suspek sa lugar. Ilang minuto rin ang nakalipas ng magpasya ng umuwi ang biktima at sa walang kung ano ay biglang bumunot ng kutsilyo ang suspek sa kanyang baywang saka sinaksak ang biktima sa tiyan at kaliwang leeg saka natumba. Hinila ng suspek ang katawan ng biktima patawid sa kalsada saka inihulog ito sa gilid ng kalsada at iniwan. Agad naman na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga miyembro ng Altavas PNP at naaresto ang suspek. Inamin nito ang krimen at saka na-rekober din ang kutsilyo na ginamit nito na may haba na nasa 9 inches. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Altavas PNP tungkol dito habang ang suspek ay nasa kustodiya na rin nila at posible sasampahan ng kasong murder.
Facebook Comments