Mga basura ng Canada sa Pilipinas, maibabalik na

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na inaayos na ng Canada ang pag-aalis ng mga basura nito sa Pilipinas.

Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda – nakakuha na ang Canada ng handler na mangangasiwa rito at shipping company na magkakarga sa 69 na container ng basura na naglalaman ng household at hospital waste.

Ani Antiporda, pagsasama-samahin ang mga container mula sa Tarlac, Maynila at Subic.


Isasailalim ang mga basura sa fumigation.

Kapag nakakuha na ng permit mula sa mga bansang dadaanan ng shipment ay ikakarga na ito sa mga barko patungo sa Canada.

Dagdag pa ni Antiporda – mananagot ang dalawang kumpanyang ilegal na nagpadala ng mga container ng mga basura sa bansa.

Samantala, inaayos na rin ng DENR ang pagbabalik ng mga natitirang basura mula sa South Korea.

Facebook Comments