Nagiging problema ng ilang mga island barangays sa lungsod ng Dagupan ang inaanod na mga basura tuwing high tide ayon sa Public Alert Response and Monitoring Center.
Hiling naman ng ibang residente ng mga island barangay na dagdagan ang araw ng pangongolekta ng mga basura na mula sa isang beses hanggang dalawang beses sa isang linggo ay mas mainam kung gagawin itong tatlong beses.
Ayon naman sa WMD ay magiging posible ito kapag dumating na ang kanilang truck na gagamitin pa sa panghakot ng basura.
Samantala, umaabot umano sa 60 tons ang mga basurang nakokolekta ng Waste Management Division ng lungsod.
Alinsunod dito, inaasahan pa rin ang rehabilitasyon ng dumpsite ng lungsod dahil hinihintay na lamang ang paparating din na mga equipment na gagamitin para rito. |ifmnews
Facebook Comments