MGA BASURANG INIWAN NG MGA BUMISITA SA LINGAYEN BEACH, NILINIS BILANG PAGTATAPOS NG PISTA’Y DAYAT 2023

Mga plastic wrappers, plastic cups, bottles, face masks, lata at upos ng sigarilyo ang nadatnan sa Lingayen Beach matapos bumisita ang libo libong tao at mga turista roon bilang selebrasyon sa Pistay Dayat 2023.
Bilang pagtatapos ng selebrasyon ay nagsagawa Clean Up Drive ang lokal na pamahalaan ng Lingayen kasama ang Provincial Government sa bahagi ng Lingayen Baywalk.
Tulong tulong na naglinis sa naturang baywalk ang ibat iabng sektor sa komunidad gaya ng PNP, BFP, GSIS, DILG, LDRRMO at iba’t ibang tanggapan ng LGU Lingayen, SK Officials at mga Brgy. Officials.

Nilinisan at tinanggal ang mga basurang naiwan at nakakalat sa lugar.
Naglalayon ang aktibidad na ito na panatilihin ang kalinisan at maging maayos ang baybayin lalo ngayon na katatapos lamang na iselebra ang Pista’y Dayat o Festival of the Sea.
Ang mga napulot na basura ay nakatakdang dalhin sa material recovery facilities.
Samantala, nagpapasalamat naman ang alkalde at bise alkalde ng bayan sa mga nakilahok sa aktibidad na ito partikular na ang mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Ipagpapatuloy umano nila ang pagsulong sa mga programang naglalayong maprotektahan ang kalikasan at karagatan na siyang pangunahin nilang pinagkukunan ng ikabubuhay. |ifmnews
Facebook Comments