Mga Top Performers ng Tuguegarao, Nagpakitang Gilas

Tuguegarao City, Cagayan – Nagpakitang gilas ang mga local performers ng Tuguegarao City sa isinagawang musical show sa SM Center Tuguegarao Downtown.

Kasama sa mga pinanood ng mga mall goers ay ang mga lokal na mga mang-aawit, stage performers at mga stage artists.

Ang isa sa mga pinakatampok na nagtanghal ay ang national qualifiers mula sa Cagayan National High School na gumanap ng isang sayaw.


Itinampok din ang isang stage performance na may temang Disney bilang handog ng naturang mall sa mga namamasyal sa naturang establisyemento.

Magugunitang buhat ng nagbukas ang naturang mall sa Tuguegarao City ay isa na ito sa mga destinasyon ng mga Tuguegaraoeño at mga galing sa mga karatig lugar.


Facebook Comments