Mga Bata sa Children Center Ng DSWD, Pinasaya

Tuguegarao City, Cagayan – Tatlumput-tatlong mga bata ang sumaya matapos silang dalawin ni Santa Claus at mga empleyado ng SM Center Tuguegarao.

Ang mga batang ito ay nakatira sa Reception Study for Children Center na makikita sa Lingu Solana, Cagayan na isang pasilidad ng DSWD para sa mga batang kinukupkop ng naturang ahensiya.

Nagsagawa ang grupo ng mga SM employees ng mga parlor games kasama ang kumpletong naka custume na Santa Claus na siya namang nagpasaya sa mga bata.


Ang naturang pagdalaw ng mge empleyado ng SM ay tinaguriang ChriSmiles, isang taunang aktibidad ng naturang establishyemento upang magdala ng nga regalo at saya sa mga batang hindi masyadong mapalad.

Ayon kay Princess Lou S. Lauigan, ang Public Relations Officer ng SM Downtown Tuguegarao, ang naturang aktibidad ay bahagi ng Employee Volunteerism Program ng SM Supermalls.

Hinihikayat nito ang mga empleyado na mas makilala ang malalim na katuturan ng pasko sa pamamagitan ng pamamahagi ng konting kapakinabanagn sa lipunan.

Facebook Comments