Mga batang evacuees mula Marawi, isinailalim sa stress debriefing

Marawi City, Philippines – Isinailalim sa stress debriefing ang mga batang evacuees mula Marawi, isang linggo matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at teroristang Maute group.

Kasalukuyang namamalagi sa Maria Cristina Evacuation Center sa Iligan City ang halos 173 pamilya.

Dito, pinag-drawing, pinagkulay at kinausap ng mga volunteer ang mga bata na paraan para alisin ang takot o posibleng trauma ng mga ito dahil na rin sa nagpapatuloy na sagupaan.


Samantala, ayon kay Genevieve Amodia ng Red Cross Iligan, pansamanta nilang itinigil ang rescue operation sa ibang sibilyang naipit sa marawi dahil mas tumitinding bakbakan.

Sa ngayon, nakatuon ang red cross sa pamimigay ng relief goods at serbisyong pangkalusugan sa mga apektadong residente.

DZXL558

Facebook Comments