Mga batang lumad nakiisa sa kilos protesta ng progresibong grupo

​ VID20180226095334.mp4 ​Nakiisa ang mga batang lumad sa kilos protesta ng mga progresibong grupo na isinagawa sa harap ng South Cotabato Provincial Capitol sa lungsod ng Koronadal kaninang umaga.
Sigaw ng mga progresibong grupo ang hustisya sa nangyaring sagupaan sa Sitio Bunlangon, Barangay Ned sa Bayan ng Lake Sebu, South Cotabato na ikinamatay ni Datu Victor
Ayon kay Sonia Eugenio tagapagsalita ng Bayan SOCCSKSARGEN, maliban sa nangyaring sagupaan sa Bayan ng Lake Sebu, tinututulan rin nila ang martial law sa Mindanao, TRAIN Law, Charter Change, jeepney at tricycle phase out.
Kasama rin sa hinaing nga mga progresibong rgupo ang patuloy na pagtutul sa kumpanyang Consunji at operasyon ng Coal Mining.

Facebook Comments