Mga batang may comorbidity, uunahing bakunahan oras na simulan na ang pediatric vaccination sa Pilipinas

Welcome sa grupo ng mga pediatric doctor sa Pilipinas ang anunsyo ng Department of Health (DOH) ukol sa pagsama sa mga indibidwal na edad 12-anyos pataas sa mga maaari nang maturukan ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Sabi ni Philippine Pediatric Society (PPS) Spokesperson Dr. Carmela Kasala, kahit madalas na tinatamaan ng COVID-19 ang nakatatanda, may mga bata rin na nahahawaan ng sakit.

Pero ayon sa DOH, kahit pinalawak na ang sakop ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Pfizer sa Pilipinas, kinakailangan pa ring sumunod sa prioritization framework dahil nananatiling limitado ang suplay ng bakuna sa bansa.


Nilinaw naman ng Philippine Foundation for Vaccination (PFV) na ipa-prayoridad na mabakunahan ang mga batang may comorbidities sa oras na masimulan na ang pediatric vaccination.

Paliwanag ni PFV Executive Director Dr. Lulu Bravo sa interview ng RMN Manila, ang mga bata, halimbawa na may sakit sa puso ay mas nanganganib kapag tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments