Manila, Philippines – Mariing kinontra ni Senator Leila De Lima ang panukalang ibaba sa siyam na taong gulang ang minimum age of criminal responsibility.
Giit ni De Lima, sa halip na sampahan ng kasong kriminal ang mga batang mula syam na taong gulang na nagkakasala sa batas ay mas makabubuti na ang usigin ay ang mga krminal o sindikato na nasa likod nila.
Dagdag pa ni De Lima, pati ang mga magulang na nagpapabaya sa mga bata ay dapat ding parusahan.
Paliwanag ni De Lima, bahagi ng prinsipyo ng karapatang pantao na ang mga batang lumalabag sa batas ay hindi dapat tratuhing kriminal dahil sila ay maituturing na mga biktima.
Ayon kay De Lima, mahalagang maipatupad na mabuti ang pangilinan law, isang aniya itong napakagandang batas na nagtatakda na dapat kinse ayos pataas ang maaring maharap sa kasong kriminal.
Apela ni De Lima sa lahat, magtulong tulong para matiyak na hindi magiging madilim ang kinabukasan ng susunod na henerasyon.
Makakamit aniya ito kung matutuldukan ang umiiral na kultura ngayon ng karahasan, kasinungalingan at pangingibabaw ng iba sa batas.
Grace Mariano