Mga batang nao-ospital dahil sa COVID-19, tumaas – pediatric infectious disease expert

Tumaas ang bilang ng mga batang tinatamaan ngayon ng COVID-19.

Ayon sa pediatric infectious disease expert na si Dr. Anna Ong-Lim, naobserbahan niya ang pagdami ng mga batang naa-admit sa ospital dahil sa virus partikular sa Philippine General Hospital (PGH).

Karamihan aniya sa mga ito ay hindi bakunado dahil pawang mga edad apat na taong gulang pababa na hindi pa maaaring bakunahan habang ang iba ay may mga existing comorbidities.


Samantala, kinumpirma naman ni Dr. Althea de Guzman, medical specialist sa Department of Health (DOH)–Epidemiology Bureau ang pagtaas ng COVID-19 cases sa mga bata.

Pero aniya, hindi ito nangangahulugan na mas marami ngayon ang nagkakaroon ng COVID-19 sa mga mas batang populasyon dahil ganito rin ang bilang ng mga tinatamaan ng virus sa adult population.

Dahil dito, muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na magpabakuna.

Facebook Comments